BALITA

Manga Fan Taro Aso, Magiging Bagong Punong Ministro ng Japan
Nakatakdang maging bagong Punong Ministro (Prime Minister) ng Japan ang dating foreign affairs minister at kilalang manga fan na si Taro Aso, matapos siyang piliin bilang bagong pangulo ng Liberal Democratic Party (LDP), ang partidong may hawak ng mayorya sa Parliament ng Japan.

Si Aso ang nakatakdang humalili kay Yasuo Fukuda, na nagbitiw bilang Punong Ministro sa simula ng buwan na ito.

Inaasahang magkakaroon ng malaking epekto ang pagiging Punong Ministro ni Aso sa mundo ng anime and manga, kabilang ang Detective Conan. Matatandaan na noong siya ay Foreign Affairs minister sa taong 2007, ginamit nang husto ng kanyang kagawaran ang manga para maiparating ang kanilang mga mensahe sa publiko. Kabilang na dito ay ang paglalathala ng isang manga-format pamphlet na gumamit ng mga tauhan mula sa Detective Conan para maipahayag sa mga kabataan ang misyon ng kagawaran.

Inaasahan na pormal na hihirangin si Taro Aso bilang Punong Ministro sa Setyembre 24 (Miyerkules) at bubuuin ang kanyang Gabinete sa mismong araw na iyon.

Impormasyon mula sa: Anime News Network
Posted on 23 Sep 2008 by Jerome
Isang Katotohanan, Bukas Na!
Noong Setyembre 10, 2001 sa oras na alas-4 ng hapon, nag-broadcast sa unang pagkakataon ang anime series na Detective Conan sa Pilipinas sa pamamagitan ng TV network na GMA. Pitong taon ang nakalipas at nagkaroon na ng maraming tagahanga ang Detective Conan mula sa iba't ibang sulok ng bansa.

Kaya ngayong araw na ito, Setyembre 10, 2008, sa oras na alas-4 ng hapon, binubukas na sa lahat ng mga Pilipino ang bagong Pinoy fansite ng Detective Conan, ang Isang Katotohanan.

Kaya maligayang pagdating sa bagong tambayan ng mga Pinoy fans ng Detective Conan. Asahan niyo na magiging mas maganda ang site na ito sa mga susunod na araw. At para makakabisita kayo muli sa site, tandaan niyo lamang ang mga URL nito:

http://pinoy.dc4ever.com
http://dc4ever.com/pinoy

Hanggang sa muli!

- Webmaster
Posted on 10 Sep 2008 by Jerome
Content Management Powered by CuteNews
CONAN ADS





Detective Conan (c) Gosho Aoyama/Shogakukan/Yomiuri/TMS
Ang larawan ng Luneta Park sa banner ay mula kay express000 ng Flickr at ginamit sa ilalim ng Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 2.0 Generic License.
Ang background image ng site ay mula sa BackgroundCity.com.
Ang site na ito ay kasapi ng Conan Allies. Kung gusto niyong sumali, bisitahin niyo ang EdogawaConan.com